NAPILING ‘Fight of the Year’ ng Boxing Writers Association of America ang bantamweight showdown sa pagitan nina Nonito Donaire at Naoya Inoue.
Ang labang ginanap sa Saitama Super Arena sa Japan noong Nobyembre 7 ay nagresulta sa unanimous decision win ni Inoue.
Halos makipagpalitan ng mukha si Donaire kay Inoue, minalas lang na bumagsak ang tinaguriang ‘The Filipino Flash’ sa 11th round na nagbigay ng malaking bentahe sa Japanese fighter, para itakbo ang 117-109, 116-111 at 114-113 win na pinale ng World Boxing Super Series tournament at maibulsa ang Muhammad Ali trophy.
Napag-isa rin ni Inoue ang WBA, IBF at The Ring Magazine bantamweight titles.
Nominado rin sa Fight of the Year award ang Gennadiy Golovkin vs Sergiy Derevyanchenko, Manny Pacquiao vs Keith Thurman, Andy Ruiz vs Andy Joshua I, Errol Spence Jr. vs Shawn Porter at Josh Taylor vs Regis Prograis. (VT ROMANO)
164