HINIHINTAY na lamang ang paglalabas ng ₱1 bilyong Special Allotment Release Order (SARO) mula sa Department of Budget and Management (DBM) para ibahagi sa mga tsuper, ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni “Banoy” Lopez.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Lopez na gagamitin ang pondo para sa pagpapatupad ng service contracting program para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
Layunin ng programa na magbigay ng subsidiya sa mga tsuper kapalit ng pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
Bukod dito, nakalaan din ang ₱2.5 bilyong fuel subsidy para sa mga tsuper bilang tulong sa epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng konsultasyon ang DOTr, katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa mga stakeholder para sa implementasyon ng programa.
(TOTO NABAJA)
126 