DPWH QUEZON 4TH DISTRICT SISINGILIN SA PALPAK NA GUMACA BYPASS ROAD

MAGKAKASA ng mapayapang martsa ang Gumaca Concerned Citizens Movement upang ipanawagan ang agarang aksyon ng DPWH Quezon 4th District Engineering Office sa umano’y masamang kondisyon ng mga pangunahing kalsada sa distrito.

Sa anunsyo ng grupo, isasagawa ang “Martsa para sa Ligtas at Maayos na Kalsada” sa Marso 4, 2026.

Magtitipon ang mga kalahok alas-8 ng umaga sa Gumaca Cathedral at magmamartsa patungong Gumaca City Coast bago magtungo sa tanggapan ng DPWH sa Brgy. Panikihan para sa programa.

Tututukan sa pagkilos ang kalagayan ng Gumaca Bypass Road at Maharlika Highway na araw-araw ginagamit ng mga motorista at commuter.

Ayon sa mga organizer, layunin ng martsa na itaas ang kamalayan ng publiko, himukin ang agarang aksyon ng kinauukulang ahensya, at isulong ang konkretong solusyon para sa kaligtasan sa kalsada sa bayan ng Gumaca.

(NILOU DEL CARMEN)

1

Related posts

Leave a Comment