DPWH Sec. Dizon dismayado FC PROJECT SA LA UNION, ‘SUPER SUBSTANDARD’

DISMAYADO si DPWH Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno partikular ang flood control matapos madiskubre na “super substandard” ang materyales na ginamit sa mga proyekto sa Barangay Acao, Bauang, La Union.

Bukod dito, nadiskubre rin ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang nasabing proyekto na ini-report nang “completed” noong Marso.

Giit pa ng kalihim, tila “props” lamang at peke ang proyekto kung saan ikinabit lang ang mga materyales at mga tubo.

Kaugnay nito, sinisiguro ni Sec. Dizon na pananagutin ang mga nasa likod ng palpak na proyekto.

Kasamang nag-inspeksyon ng kalihim si Baguio City Mayor and Independent Commission for Infrastructure (ICI) Special Adviser Benjamin Magalong bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na i-check ang mga proyekto ng DPWH.

Ito’y para sana sa maayos na flood mitigation measures ng nasabing lugar.

(JOCELYN DOMENDEN)

174

Related posts

Leave a Comment