DQ NG MANILA BET NA-TRO NG SC

PINIGIL ng Korte Suprema ang implementasyon ng disqualification na iginawad ng Commission on Elections kay Konsehal Darwin Sia na kumandidato sa nabanggit na posisyon sa nakaraang May 12, 2025 local elections.

Sa katatapos na session ng Supreme Court en banc, kinatigan ang petition for temporary restraining order o TRO na idinulog ni Sia sa Korte.

Kinansela ng Comelec ang certificate of candidacy ni Sia at diniskwalipika ang kandidatura nito sa ikalawang distrito ng Lungsod ng Maynila sa May 12, 2025 elections dahil sa conviction sa isang kaso ng electricity pilferage noong 2014.

(JULIET PACOT)

42

Related posts

Leave a Comment