ISANG sachet ng hinihinalang ilegal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400, ang nakumpiska sa Port of Lucena sa Barangay Talao-Talao, Lucena City noong Biyernes, Hulyo 31.
Ang nakuhang ebidensiya ay agad na itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Seaport Interdiction Unit para sa kaukulang kustodiya, laboratory examination, at karagdagang imbestigasyon.
Isinagawa ang turnover sa tulong ng magkasanib na operasyon ng Port Police Division ng Philippine Ports Authority, Philippine Coast Guard, Quezon Maritime Police Station, Lucena City Police Station, at Quezon Police Mobile Force Company.
Bukod sa isang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang ilegal na droga, isinuko rin sa PDEA ang iba pang mga ebidensiyang may kaugnayan sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga taong responsable sa pinagmulan at pagtatangkang maipasok o maipuslit ang hinihinalang ilegal na droga sa lungsod.
(NILOU DEL CARMEN)
311 