DRUG COURIER NABINGWIT SA CHECKPOINT

NABINGWIT ng mga operatiba ng Manila Police District-Bambang Police Community Precinct (PCP), sakop ng Police Station 2, ang isang hinihinalang drug courier, sa inilatag na checkpoint sa Bambang St., Tondo, Manila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Moises” 37-anyos, residente ng Tondo, Manila, nagmamaneho ng motorsiklo nang makumpiskahan ng 20 gramo ng umano’y shabu at isang baril.

Ayon sa ulat nina Police Staff Sergeant Danielle Johnson at Patrolman Mark Christian Santos, habang nagpapatupad ng Comelec checkpoint ang pulisya bandang alas-10:50 ng gabi noong Sabado nang mamataan nila ang isang motorsiklong “Rusi”.

Ngunit pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo gayunman sumemplang kaya nadakip ng mga pulis.

Nakumpiska sa suspek ang .45 kalibreng baril at 20 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P136,000 ang street value.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591

(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in rel. to Section 261 ng BP 881 (Omnibus Election Code), Sec.11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) at Section 56 (e) ng RA 4136 (Driving without License). (RENE CRISOSTOMO)

71

Related posts

Leave a Comment