DRUG PUSHER TIMBOG SA PNPA QUARTERS

NAKAKUHA ng drug paraphernalia sa loob ng quarters ng Philippine National Police Academy (PNPA) makaraan ang isinagawang inspeksyon sa loob ng kampo sa Silang, Cavite.

Arestado sa mga awtoridad ang suspek na si Diosdado Reyes Jr., mess personnel ng PNPA Mess Hall sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/MSgt, Robert Dimailig ng Silang Municipal Police Station, alas-2:00 ng hapon noong Martes nang magsagawa ng inspeksyon sa quarters si P/Lt, Col. Crisostomo Ubac, hepe ng Intelligence and Investigation Department ng PNPA, base sa sumbong ni Cadet 1CL John Dave Macacba na nagtutulak umano ng droga ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

183

Related posts

Leave a Comment