Nang-agaw ng baril RAPIST NG ANAK PATAY SA PRESINTO

DAVAO City– Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaking detainee na nahaharap sa kasong rape matapos umanong mang-agaw ng baril sa loob ng himpilan ng pulisya noong Martes ng umaga.

Ayon sa Davao City Police Office, base sa ulat ng pulisya, inilabas mula sa selda sa Talomo Police Station ang lalaki na isang rape suspect para isailalim sa online inquest proceeding.

Sinasabing kasalukuyang inihahanda ng mga pulis ang kasong incest rape laban sa suspek dahil sa panggagahasa umano nito sa kanyang sariling anak.

Sa isinagawang imbestigasyon, sinasabing biglang binunot ng suspek ang baril ng isang pulis na dumaan sa kanilang harapan habang papalapit sila sa desk officer area.

Dahil dito, nagkaroon ng agawan ng baril hanggang sa pumuktok ito at nahagip ng punglo ang ulo ng suspek.

Nagawa pang maitakbo sa Davao Adventist Hospital ang rape suspect ngunit idineklarang patay na ito. (JESSE KABEL)

150

Related posts

Leave a Comment