DRUG SYNDICATE NASA LIKOD NG EX-COP KILLING

HINIHINALANG hitman ng isang malaking sindikato sa droga ang nasa likod nang pamamaslang sa isang 48-anyos na dating pulis-Maynila na tinambangan kasama ang asawa, habang lulan ng motorsiklo sa Tondo, Manila noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa source, ang biktimang si Dranreb Capistrano y Castro, residente sa #406 Lallana St., Velasquez, Tondo ay isa sa mga dapat italaga sa PRO-5 noong Hunyo 21,2013 ngunit minabuti na lamang nitong mag-AWOL (absent with-out official leave).

Huling assignment ni Capistrano ay sa Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7 ngunit magmula nang lumabas ang order ng bagong assignment ay nag-AWOL na lamang.

Noong Huwebes, alas-9:10 ng umaga nang tambangan ng suspek si Cipriano kasama ang asawa nitong si Vivian, habang lulan ng motorsiklo sa Vitas St. sa gilid ng Deca Homes sa Balut, Tondo sakop ng Brgy.101, Zone 8.

Mag-isa lamang umano ang suspek na lulan ng motorsiklo ngunit may back-up na anim na kalalakihan.

Masuwerteng hindi tinamaan ng bala ang ginang ngunit nasugatan ito nang bumagsak ang mag-asawa.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima habang isinugod ang ginang sa sa Tondo General Hospital. (RENE CRISOSTOMO)

122

Related posts

Leave a Comment