Isinailalim sa Document Tracking System (DTS) at Customer Care Portal System (CCPS) ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu at Sub-Port nito na Port of Mactan nitong nakaraang Oktubre 17 hanggang 18 ng taong kasalukuyan.
Ang DTS ay isang online document status tracking system na kung saan malalaman ng stakeholders ang totoong kalagayan ng kanilang mga dokumento sa totoong oras sa paggamit ng QR code na hindi na mangangailangan ng personal follow-ups.
Ang CCPS naman ay papayagan ang stakeholders na mag-submit ng kanilang concerns, feedbacks at complaints sa BOC electronically.
Ang documents for accreditation ay maaari ring isumite sa pamamagitan ng portal, bawat naka-tag kasama ng kanilang ticket para sa reference at feedback.
Ang implementasyon ng sistema ay bahagi pa rin ng Ten-Point Priority Program ng BOC partikular sa pagpapaganda ng information technology system ng ahensya.
Isinagawa ng Customs officers mula sa Management Information and System Technology Group Manila, ang nasabing pagsasanay kasama na ang presentasyon ng risk management awareness program at system demonstration sa Multi-purpose Hall, Port of Cebu Customs House. (Joel O. Amongo)
157