CAVITE – Sinunog ng limang ‘di kilalang kalalakihan ang isang sasakyan na panghakot ng mga basura sa DasmariΓ±as City noong Sabado ng umaga.
Ang sinunog ng limang kalalakihan ay isang 10 wheeler HOWO truck na may plakang NH B8625, na pagmamay-ari ng isang Nelson Ching ng Metro Waste Solid Waste Management Corporation.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang sunugin ng limang kalalakihan ang nasabing dump truck habang nakaparada ito sa Silang-Paliparan Road, Brgy. Paliparan 1, DasmariΓ±as City, Cavite.
Agad namang ini-report ang nasabing insidente sa DasmariΓ±as Component City Police Station at nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pamumuno ni FO3 Atendido na idineklarang fire-out ang sunog bandang alas-5:44 ng umaga.
Tinatayang P3,000,000 ang halaga ng pinsala sa nasabing fire-truck.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP ang nasabing insidente. (SIGFRED ADSUARA)
394 