TATLONG araw na magpapahinga si Pangulong Rodrigo Duteerte simula ngayon, Nobyembre 12.
Itinalagang caretaker si Executive Secretary Salvador Medialdea habang ang Pangulo ay nagpapahinga.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na alinsunod ito ng payo ng mga doktor, kaibigan at kapamilya ngunit nilinaw na hindi ito konektado sa anumang medikal na kondisyon ang desisyon ng Pangulo na magpahinga.
Noong nakaraang buwan ay dumaing ng pananakit sa likod at balakang dahilan para umuwi nang maaga sa isang pagbisita sa Japan.
