E-WALLET NAGPAPAGAMIT SA E-GAMBLING – SOLON

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang grupo ng mga mambabatas sa Kamara ang Maya Digital Savings Bank dahil mistulang nagpapagamit umano ito sa mga gambling operator na nasa likod ng gambling apps.

Sa kanyang privilege speech, nagpahayag ng pagkabahala si House deputy majority leader Erwin Tulfo hinggil sa nakarating na impormasyon umano sa kanilang grupo sa ACT-CIS na ang e-wallet na Maya ay ginagamit sa e-gambling.

“This question strikes at the core of our responsibility as lawmakers to protect the interests of the millions of subscribers who rely on Maya Digital Savings Bank for their financial transactions and digital wallet needs,” ani Tulfo.

Ayon sa mambabatas, malayang nakatataya sa gambling apps tulad ng bacarrat, poker, bingo, fruit games at iba pang kahalintulad na e-gambling sa pamamagitan ng mobile wallet services ng Maya.

Bagama’t ilan umano sa gambling apps ay binigyan ng lisensya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), nagpapasugal pa rin ang mga ito at mga ordinaryong mamamayan ang tumataya sa kanila.

Nagpatawag ng imbestigasyon ang grupo ni Tulfo dahil parami nang parami ang mga nagsusugal sa pamamagitan ng gambling apps gamit ang digital wallets kung saan mas madalas ang talo kaysa panalo.

“This investigation will shed light on whether these gambling activities are conducted in compliance with our laws and regulations, and whether they truly serve the best interests of our citizens,” ayon pa kay Tulfo.

Nais din umano ng mga ito na alamin kung binigyan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Maya Digital Savings Bank ng otoridad para sa magkaroon ng transaksyon sa mga gambling operator na nasa likod ng gambling apps.

“Let us work together to ensure that Maya Digital Savings Bank operates in a manner that upholds the values and standards we hold dear as a nation, all while protecting the interests of its millions of subscribers,” dagdag pa ng mambabatas.

(BERNARD TAGUINOD)

221

Related posts

Leave a Comment