ECONOMIC SABOTAGE SA TOBACCO SMUGGLERS

IPINANUKALA ni Ilocos Norte Congressman at House senior majority leader Sandro Marcos na kasuhan ng economic sabotage ang mga smuggler ng tobacco products partikular na ang sigarilyo.

Nais din niyang parusahan ang mga ito ng hanggang 40 taong pagkakabilanggo.

Kasama ni Marcos si PBA party-list Rep. Margarita Ignacia Nograles na naghain ng House Bill (HB) No. 3917 para amyendahan ang Republic Act (RA) 10845 o Anti-Agriculture Smuggling Act of 2016.

Ayon sa dalawang mambabatas, walang katapusan ang cigarette smuggling sa bansa, sa katunayan anila, sa Zamboanga del Sur at Misamis Occidental, 6 sa bawat 10 sigarilyo na ibinenbeta sa merkado ay smuggled.

“Even in the tobacco-producing region of Ilocos, nearly 10% cigarettes sold are illicit,” ayon sa explanatory note ng dalawang kongresista.

Ang walang tigil anilang smuggling ng sigarilyo ay nagdulot ng P30 hanggang P60 billion buwis na nawala sa gobyerno, bukod sa P26.2 billion ngayong 2022 at karagdagang P31 billion sa 2023.

Upang matigil ito, kailangang isama anila ang sigarilyo sa agricultural products na ilegal na ipinapasok sa bansa sa kasong economic sabotage.

“There is an urgent need to combat large-sclare tobacco smuggling by imposing more stringent penalties and deter the entry and sale of illegal tobacco in the Philippines,” giit pa nina Marcos at Nograles. (BERNARD TAGUINOD)

174

Related posts

Leave a Comment