DALAWANG opsyon lamang ang binibigyang bigat ngayon ng COVID-19 task force para sa quarantine level ng Kalakhang Maynila na magsisimula ngayong weekend.
“Dalawang option lang naman po ‘yan: mananatili ang ECQ, in which case ang tanong, meron bang pang-ayuda—o ibababa sa MECQ (modified ECQ),” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Nauna nang nagpulong kahapon ang inter-agency task force para pag-usapan ang susunod na lockdown level para sa Metro Manila.
Inaasahan naman na magde-deliver ng kanyang talumpati si Pangulong Duterte ngayong Biyernes para ihayag ang bagong quarantine levels, “unless he will give authorization to have it announced earlier,” anunsyo ni Sec. Roque.
Sa kabilang dako, layon naman ng mga awtoridad na mapanatili ang bagong COVID-19 cases nang mas mababa sa 20,000 kada araw habang naka-lockdown ang MM.
Binigyang diin nito na kinumpirma ng health department ang 11,000 infections.
“We seem to be on track po dahil hindi naman po sumipa beyond the projections. And if we continue with our planned course of action, it will always be below 20,000.” ani Sec. Roque.
Ang utilization rate aniya ng intensive care units sa Metro Manila ay bumaba na sa moderate risk.
“The figures are very encouraging as of today,” ang pahayag ni Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)
142 