Eksperto umapela sa publiko na magpabakuna ‘WAG NANG ‘CHOOSY’

UMAPELA ang mga eksperto sa publiko na tanggapin na kung ano ang bakunang mayroon ngayon sa bansa upang makaiwas sa nananatili pa ring peligrong dulot ng COVID-19.

Paniniguro ni Dr. Edcel Salvana ng UP Molecular Biology and Biotechnology at National Institutes of Health, makapagsasalba ng buhay ang bakuna na garantisadong hindi na aabot pa sa severe case ang isang indibidwal sakali’t tamaan pa ng virus.

“For example po, 2.5 million people na ang namatay sa covid ngayon, kung mayroon tayong bakunang ganito katulad ng Sinovac, kung dineploy natin iyan at the start of the pandemic, hindi po lalampas ng isanlibo iyong namatay dahil almost 100% po iyong severe. Can you imagine, magkakasipon ang mga tao pero walang mamamatay. Marami pa sana tayong mga kasama na buhay ngayon.

Iyon lang po talaga ang hinihingi ko sa inyo, na tanggapin po natin kung anong bakuna ang nandiyan dahil ito po ay makakapagsalba ng buhay – 100% po sa severe, 50% sa inyo magkakasipon pero iyong 50% na hindi nagkakasipon, hindi na masyadong makaka-transmit,” ayon kay Salvana.

165

Related posts

Leave a Comment