Eleazar suportado ng Palasyo TRAVEL PASS SA PAPASYAL SA TAGAYTAY

PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang mga residente ng Metro Manila na kailangan pa rin nilang kumuha ng travel pass mula sa Philippine National Police kung pupunta ng Tagaytay City.

Suportado ng Malakanyang ang pahayag ni Joint Task Force COVID Shield commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, na iginiit na kailangan ang travel authority matapos ihayag ng Tagaytay City government na hindi na ito requirement.

Ang Metro Manila ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) habang ang Cavite ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ).

“MGCQ to MGCQ travel, hindi kinakailangan ng travel pass but the local government unit may still impose it. GCQ to MGCQ, kinakailangan ng travel pass,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

“Mga taga-Metro Manila na nais pumunta ng Tagaytay, kinakailangan n’yo pong kumuha ng travel pass at bago kayo mabigyan ng travel pass ng PNP, kinakailangan mag-presinta po kayo ng medical certificate,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, unti-unti nang nagsisibalikan ang mga turista sa Tagaytay City matapos ianunsyo ng city government na tumatanggap silang muli ng mga bisita magmula nang isailalim ang lungsod sa modified general community quarantine noong September 1.

Pinaalalahanan ng City Administrator na si Engineer Gregorio Monreal na kailangang sundin ng mga turista ang minimum health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Aniya, mayroon pa ring checkpoints sa entry at exit points ng lungsod subalit hindi oobligahin ang mga bisita na magprisinta ng travel pass. Ang kailangan lang ay mag-fill-up ng health declaration form.

Naglabas ng memorandum si City Mayor Agnes Tolentino noong September 1 para sa guidelines na dapat sundin ng mga establisimyento, mga tanggapan, public transportation, religious groups at mga barangay.

Pinapayagan ang mga hotel na mag-operate ng hanggang 50% capacity nito. Kailangan lang kumuha ng certification at accreditation mula sa Department of Tourism ang mga hotel bago makapag-operate.
Inaasahan na sa muling pagbubukas ng pinto ng Tagaytay para sa mga turista ay makababawi na ang

ity government at mga negosyanteng nawalan ng kita dahil sa pandemya.

Ang Tagaytay City ang itinuturing na top tourist destination sa Cavite province. (CHRISTIAN DALE)

181

Related posts

Leave a Comment