EMERGENCY POWER SA TRAPIKO IGIGIIT NG DOTr

DOTR

(NI MAC CABREROS)

Muling igigiit ng Department of Transportation (DOTr) sa Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas para mabigyan ng gobyerno ng emergency power para masolusyong ang malalang problema sa trapiko sa bansa.

Sa panayam ng media kay DOTr Secretary Arthur Tugade, kanilang hihilingin sa 18th Congress ang pagpasa sa panukala dahil malaki ang maidudulot na ginhawa nito sa sambayanang Filipino.

Binigyan-diin Sec. Tugade na maaalis ang katiwalian at mapabibilis ang implementasyon ng mga proyekto kapag pinagkalooban ng Kongreso ang emergency power sa administrasyong Duterte.

Naiulat na inanunsyo ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at Senator-elect Francis Tolentino na muli nitong ihahain ang panukala.

Inihayag pa ni Tugade na naisumite na nila sa Kongreso ang lahat na kakailanganing dokumento para rito.

Sa pagsaliksik ng Japan International Cooperation Agency (JICA), bilyong piso ang nawawala sa bulsa ng Pinoy dahil sa mabagal na daloy ng trapiko sa mga kalsada.

Upang maibsan ang trapiko lalo sa EDSA, ipinanukala ng MMDA na tuluyang ipagbawal ang provincial bus dito kung saan ipupursige na gamitin ang central terminal sa Valenzuela at Sta. Rosa.

342

Related posts

Leave a Comment