KINUMPIRMA ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sa bahay mismo ng bise alkalde sa Bansud, Oriental Mindoro naaresto si Engr. Dennis Abagon, isa sa mga akusado sa flood control scam nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay Remulla, malinaw na natukoy ng mga awtoridad na ang property ay pag-aari ng bise alkalde. Patuloy na iniimbestigahan ng NBI at DILG ang tunay na dahilan at “nature” ng pananatili ni Abagon sa lugar.
Naaresto si Abagon ng NBI sa Quezon City matapos mabigo ang service of warrant sa kanyang dating address sa Cavite. Kasama ring inaresto ang stay-in couple na umano’y tumutulong sa kanya habang nagtatago sa naturang bahay.
Patuloy ang follow-up investigation sa posibleng pananagutan ng opisyal na nagpatago sa akusado.
(TOTO NABAJA)
29
