POSIBLE nang magkaroon ng murang kuryente ang mga Filipino ngayong ipinag-utos ni Pangulong
Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng isang inter- agency committee na may kinalaman sa nuclear
energy program.
Ang direktiba ay ginawa ng Chief Executive sa pamamagitan ng paglalabas ng Executive Order 116.
Sinasabing, bubuuin ang Nuclear Energy Program Inter- Agency Committee ng mga kinatawan mula
sa Department of Energy na magsisilbing chairperson habang tatayong vice chairperson ang
kinatawan mula sa DOST.
Ang magiging miyembro naman ng Inter- Agency ay DILG, DENR, Finance Department, DFA, NEDA,
National Power Corporation, National Transmission Corporation, Philippine Nuclear Research
Institute at PHIVOLCS.
Layon ng hakbang na magkaruon ng assessment at kaukulang evaluation hinggil sa posibilidad na
gumamit na rin ng nuclear power ang estado.
Base sa EO, hindi lamang nakasentro dapat sa Bataan Nuclear Power Plant ang gagawing pag-aaral.
Saklaw din ng pag-aaral ang epekto sa kalikasan at seguridad ng nasabing planta.
MARCOS TIME
Noong 1976, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapagawa ng Bataan Nuclear
Power Plant na ang layunin ay magkaroon ng tuluy-tuloy at maaasahang source ng kuryente.
Ibinatay ni Marcos ang kanyang desisyon sa madalas na pagkakaroon ng “energy crisis” Sa Pilipinas
tuwing nag-aaway at nagkakagulo ang mga bansa sa Middle East (ME) dahil sa produksiyon ng
langis na kailangan ng mundo.
Ngunit hindi nagamit ang naturang proyekto dahil na rin sa mga paninira ng makakaliwa at
‘dilawang’ grupo. Ito ang itinuturong dahilan kaya ang Pilipinas ang itinuturing ngayon na may
pinakamataas na presyo ng kuryente per kilowatt hour sa buong Asya. (CHRISTIAN DALE)
