EO SA SRP NG SWAB TEST INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

INAASAHANG ilalabas na sa susunod na linggo ang isang executive order na magpapataw ng maximum price para sa RT–PCR [reverse transcription polymerase chain reaction] o swab tests para sa COVID-19, ayon sa Department of Health.

Sinabi ni Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nagsumite na ang DOH ng proposal para sa isang EO sa Office of the President para sa suggested retail price (SRP) sa coronavirus disease diagnostic methods.

Nang tanungin kailan ilalabas ang EO, sinabi ni Vergeire: “Wala pang balita, pero baka next week.”

Paliwanag niya, wala kasing batas ang bansa na nagre-regulate sa presyo ng COVID-19 diagnostic methods, at ang DOH ay hindi basta makapaglalagay ng price caps.

“Itong [EO] po ay hinihintay natin, kasi wala po tayong batas na magsasabi na we can regulate, meron lang ho tayo sa gamot at wala tayong para diyan,” sinabi nito.
Nagsagawa rin ang DOH ng price surveys sa iba’t ibang laboratories para malaman ang price range. (CATHERINE CUETO)

268

Related posts

Leave a Comment