ISANG resolusyon ang inihain ni Senador Grace Poe upang paimbestigahan sa Senado kung ano ang kasalukuyang kalagayan at epekto ng community quarantine protocol sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) partikular ang food at beverage industry na nakikipagbuno upang makapagnegosyo.
“While the government’s effort to infuse capital in support of MSMEs and the prioritization of their employees in the vaccination rollout are laudable, we need more long-term and sustainable recovery roadmaps for the foreseeable future,” ayon kay Poe sa kanyang Senate Resolution No. 817.
Noong 2018, naitala ng Philippine Statistics Authority na may kabuuang 999,342 MSMEs sa buong bansa. Pero, kamakailan, iniulat naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na umabot sa 10 porsiyento ng MSMEs ang nagsara nitong Hunyo 2021 sanhi ng kawalan ng benta.
Sinabi ng resolusyon na dulot ng uri ng food service industry na may shelf life ang produkto at may masalimuot ng product consumption at probisyon sa serbisyo, isa ito sa pinaka-nangungunang MSMEs na lubhang apektado ng papalit-palit at paulit-ulit na paghihigpit sa quarantine.
Ayon pa kay Poe, pinakamatinding tinamaan ang kainan o restoran na umabot lamang sa 20 porsyento ang nakabangon mula sa pagkalugi na sumasandal sa take-out o delivery orders kapag ipinatupad ng enhanced community quarantine at general community quarantine na may heightened restrictions.
Iginiit pa ng resolusyon na kahit naiintindihan ng may-ari ng kainan ang pangangailangan na ipatupad ang lockdown sanhi ng tumaas na bilang ng kaso ng COVID-19, umiiyak na sila sa madaliang pagbabago sa quarantine protocol sa loob lamang ng ilang araw upang makapaghanda at nalulugi sanhi ng nasisirang imbentaryo.
“MSMEs should be part of the equation when we plan the implementation of lockdowns. If we keep leaving them out, it will be harder for our economy to bounce back with not many businesses left after the pandemic,” ayon kay Poe. (ESTONG REYES)
186 