ES Rodriguez inabswelto rin ni Gatchalian SUGAR IMPORTATION PLAN HINDI ILEGAL

DINEPENSAHAN ni Senador Win Gatchalian ang naging atas ni Executive Secretary Vic Rodriguez at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Sugar Regulatory Administrator Hermenegildo Serafica na magsumite ng import plan para sa sugar importation.

Para kay Gatchalian, wala siyang nakikitang mali o ilegal sa paglalatag ng importation plan.

“Hindi ko naman nakita na, iba kasi yung, sa akin, nangyayari rin na gumagawa ng draft, kung minsan dalawa o tatlong draft pa nga for the decision of the President. At hindi ko nakikita dahil doon sa paggawa ng draft eh siya ang nag-utos dahil nangyayari talaga yan na gumagawa ng maraming draft para pagdesisyonan ng Presidente,” saad ni Gatchalian.

“Hindi ko naman, in due fairness kay executive secretary, hindi ko naman nakita sa pagdating yung kanyang pag-utos, yung talagang direktahang pag-utos na pirmahan yan para maka-import ng 300,000 metric tons of sugar,” diin pa ng senador.

Lumilitaw anya na nagkaroon ng misunderstanding dahil direkta nang nilagdaan ni Serafica at ni dating Agriculture Undersecretary Leo Sebastian ang Sugar Order 4 para sa importasyon ng asukal.

Una rito, inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na wala siyang nakikitang pananagutan ni Rodriguez sa illegal order.

Kinumpirma rin na muling haharap si Rodriguez sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa sugar fiasco. (DANG SAMSON-GARCIA)

131

Related posts

Leave a Comment