ES SUPORTADO NG MGA PINOY

PUNA Ni JOEL AMONGO

IPINAKITA ng PNPA Kapanalig Class ’97 ang suporta nila kay Executive Secretary (ES) Victor “Vic” Rodriguez sa isang testimonial dinner na ginanap noong July 30, 2022.

Sa talumpati ni ES Rodriguez, sinabi niya na labis siyang nagpapasalamat sa mga nakibahagi para maging posible ang naturang espesyal na pagtitipon.

Binigyan pugay rin niya ang mga miyembro ng PNPA Kapanalig Class ’97 sa kanilang pagkamakabayan, at katapangan para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Nauna pa rito, kamakailan ay pinarangalan ng mga barangay captain ng Quezon City si Atty. Rodriguez sa pagkakatalaga sa kanya ni PBBM bilang bagong Executive ­Secretary.

Ikinatuwa ng mga barangay official sa Lungsod Quezon na isang dating kapitan ng Brgy. Sacred Heart ang napiling ­Executive Secretary ni PBBM.

Ang posisyon ng ES ay tinatawag na “Little President” dahil siya ang pangunahing pinakamalapit na opisyal sa presidente ng bansa.

Kaya naman kung minsan, kung hindi direktang pinupukol ng mga intriga ang presidente ng bansa ay si ES ang pinagbabalingan ng mga PUNA.

‘Yan ang naging sitwasyon ni ES Rodriguez na pinukol ng kung anu-anong intriga nitong nakaraang mga araw.

Subalit sa kabila ng mga ‘yan ay nananatili siyang suportado ng taumbayan at ng matataas na mga opisyal ng ­gobyerno, maging retirado man o aktibo. Mabuhay po kayo Boss!

oOo

Binabati pala ng PUNA ang mga kaibigan nating ­nabigyan ng posisyon sa ilalim ng ­administrasyon ni PBBM.

Kabilang si Atty. Fred ­Bayan, Undersecretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Si Atty. Bayan ang ­founding chairman namin sa BBM Pilipinas at naging kasama na rin namin siya nang tumakbo si PBBM bilang vice president noong 2016.

Gayundin sina sir Allan Tanjusay, dating tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP); Fred Cabalbag, Assistant Secretary ng Office of Press Secretary (OPS); Chito Valmocina, ­dating barangay captain ng Brgy. Holy Spirit na Usec. din ngayon ng DILG; Benny Antiporda, ­administrator ng National Irri­gation Administration (NIA) na kasama ko rin dati sa Remate; Ed Corvilla, Usec. ng OPS na nakasama ko naman dati sa Pilipino Mirror; Atty. Felipe Egargo, Jr., Usec. ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakasama ko naman sa cyber­libel na aming isinampa laban sa isang politician sa ­Quezon City at marami pang iba.

Mabuhay kayo mga ­bossing, basta nandito lang ako kung ano ang mga ipasusulat n’yo sa akin, laging bukas ang aking pahina para sa inyo.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

190

Related posts

Leave a Comment