OPISYAL nang inilunsad ng Bureau of Immigration ang kanilang eServices platform na konektado na ngayon sa eGovPH Super App.
Layon ng bagong sistema na mapabilis at mapadali ang serbisyo para sa publiko sa pamamagitan ng Single Sign-On o SSD feature.
Sa ilalim nito, sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na maaaring magamit ang iisang account para ma-access ang iba’t ibang online services ng BI gamit ang kanilang eTravel o eGovPH Super App account.
Bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng iisang digital framework sa buong gobyerno para sa mas maayos, ligtas, at mabilis na serbisyo.
Giit ni Viado, ang integrasyon ng eServices sa eGovPH ay pagpapakita ng Bagong Pilipinas agenda at ng Bagong Immigration vision, isang mas transparent, accessible, at makabagong serbisyo publiko.
Sa bagong digital system ng Bureau of Immigration, asahan ng publiko ang mas mabilis, episyente, at maginhawang transaksyon na isang malaking hakbang tungo sa modernong pamahalaan.
(JOCELYN DOMENDEN)
