ESTUDYANTE BINISTAY NG BALA, PATAY

CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na estudyanteng lalaki nang bistayin ng bala ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Kelsey Del Rosario, 24, tubong Lanao Del Sur at residente ng Barangay Salawag, Dasmariñas City, natagpuang walang buhay sa pinangyarihan ng insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ilang residente, nabahala sila makaraang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa nasabing lugar.

Nang tumigil ang putok, nakita na lamang nila ang biktima na nakabulagta sa lugar at wala nang buhay.

Natagpuan sa lugar ang walong basyo ng isang .45 kalibreng baril at isang bullet slug.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan at posibleng pag-aresto sa suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

65

Related posts

Leave a Comment