4 HVIs NASUKOL NG SPD-DEU

NAGSAGAWA ng buy bust operation ang Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit, sa pakikipag-ugnayan sa Parañaque City Police, na humantong sa pagkakaaresto sa apat na drug suspect, na tinaguriang high-value-individuals (HVIs), at nasamsam ang mahigit P2 milyong halaga ng droga nitong Miyerkoles.

Sinabi ng SPD na kinilala ang mga suspek na sina Lex, 29; Yans, 34; Ali, 45; at Giann, 29, isang babae, lahat ay inuri bilang HVI.

Naaresto sila dakong alas-4:45 ng hapon sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Paranaque.

Sinabi ng pulisya na nagsagawa ng buy bust operation ang SPD-DEU na target si Lex, na iniulat na kilalang-kilala sa kanyang mga aktibidad sa ilegal na droga.

Ang tatlo pang suspek ay kasama umano ni Lex.

Narekober ng pulisya ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000, isang mahabang puting sobre, isang blue Intel analog cellular phone, isang iPhone, at ang P1,000 cash na ginamit bilang buy-bust money.

Nakakulong ang mga suspek sa SPD custodial facility at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nakumpiskang droga ay itinurn-over sa SPD Forensic Unit para sa laboratory analysis.

(CHAI JULIAN)

85

Related posts

Leave a Comment