ESTUDYANTE HULI SA 1 KILO NG SHABU

ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation sa pangunguna ng PDEA RO NCR – RSET 1, kasama ang PNP DEG SOU, ang isang 21-anyos na estudyante makaraang makumpiskahan ng isang kilo ng umano’y shabu noong Lunes ng gabi.

Nangyari ang operasyon sa harap ng Museo ng Pampangulong Sasakyan parking lot sa Quezon City Circle, Elliptical Rd., Quezon City.

Kinilala ng mga awtoridad ang arestado na si alyas “Moli”, 21, residente ng Tandang Sora, Quezon City.

Nasamsam ng mga awtoridad sa suspek ang isang self-sealing plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tinatayang isang kilo at may standard drug price value na P6,800,000.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang cellular phone, buy-bust money, at isang black paper bag.

Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL RUIZ)

26

Related posts

Leave a Comment