EUA NG SINOPHARM HIHINTAYIN NI DUTERTE

HIHINTAYIN pa rin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use authorization para sa COVID-19 vaccine ng Chinese state firm Sinopharm na mas pinili niya sa ibang vaccine brands.

“Moot and academic na po iyang tanong na iyan,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque nang hingan ng update sa naging pag-aaral ng Malakanyang kung magpapabakuna ba o hindi si Pangulong Duterte mula sa 10,000 Sinopharm doses na inaprubahan para sa kanyang security detail na binigyan ng “compassionate use”.

“Maghihintay na lang po siya (Duterte) ng approval ng Sinopharm,” ayon kay Sec. Roque.

Ang Sinopharm ay nag-apply para sa EUA sa Pilipinas, nitong Lunes, unang araw ng opisyal na COVID-19 vaccine rollout sa bansa gamit ang bakunang dinivelop ng isa pang Chinese drugmaker na Sinovac Biotech.

Ang Sinovac, Pfizer at AstraZeneca ay pinagkalooban ng EUA para sa kani-kanilang COVID-19 vaccine candidates, bagaman ang mga suplay mula sa Pfizer at AstraZeneca ay nakatakda pa lamang dumating sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte nitong Linggo na kinukonsidera ng kanyang doktor na gumamit ng bakuna mula sa Chinese pharmaceutical group maliban sa Sinovac.

Nauna nang sinabi ni Sec. Roque na mas pinili ng pangulo na maturukan ng Sinopharm. (CHRISTIAN DALE)

119

Related posts

Leave a Comment