EUROPEAN DEFENSE CHIEFS, SUPORTADO PANAWAGAN NI TEODORO

NAGPAHAYAG ng suporta ang mga European defense officials sa panawagan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. para sa pagpapanatili ng rules-based international order.

Sa Paris Defense and Strategy Forum 2026, binigyang-diin ni Teodoro ang kahalagahan ng pandaigdigang kaayusan bilang pundasyon ng kapayapaan at seguridad.

Nakipagpulong din ang kalihim kay Admiral Giuseppe Cavo Dragone, Chair ng NATO Military Committee, kung saan pinuri ng NATO ang paninindigan ng Pilipinas para sa mas malawak na defense cooperation.

Ayon kay Teodoro, ang lumalalang banta sa pandaigdigang seguridad—kabilang ang territorial disputes, cyber threats at hybrid warfare—ay nangangailangan ng mas matibay na ugnayan ng mga bansa.

“Kung mawawala ang respeto sa mga patakarang ito, mawawala rin ang tiwala at katiyakan sa pagitan ng mga bansa,” ani Teodoro.

Dumalo sa forum ang mga lider mula sa defense ministries, think tanks at international organizations sa Europa.

Ang suportang ito ay indikasyon ng lumalakas na ugnayan ng Pilipinas sa Europe at sa mas malawak na international community sa usapin ng seguridad.

(JESSE RUIZ)

48

Related posts

Leave a Comment