EX-SPEAKER ALVAREZ TINAMAAN NG COVID-19

HINDI nakaligtas sa coronavirus 2019 (COVID-19) si dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez.

Kinumpirma mismo ng anak ni Alvarez sa mga mamamahayag sa Kamara, na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama ngunit itinanggi nito na nasa seryosong kalagayan ang mambabatas.

“Speaker Alvarez did test positive for the virus, but he is not in any serious health condition. He is still in Davao del Norte and is recovering at home. Thank you for your concern and for everyone’s prayers,” ani Finance Assistant Secretary Paola Alvarez.

Nitong nakaraang mga linggo ay naging abala si Alvarez sa kanyang krusadang “We Need a Leader 2022” na ang layon umano ay turuan ngayon pa lamang ang mga Filipino na pumili ng mahusay na lider na mamumuno sa Malacañang sa 2022.

“We need and leader, tunay na leader at hindi pretender” ani Alvarez noong Enero 2021, dahil napalaking problema umano ang mamanahin ng susunod na Pangulo dahil sa kalagayan ng bansa ngayon sanhi ng COVID-19 pandemic.

“Pangalawa, siya ba ay may puso at damdamin para sa tao? “Pangatlo, siya ba ay may bayag?” ani Alvarez at idinadag pa nito na “Kinakailangan ang presidente ay may isang salita. Hindi puwede ang pabago-bago at atras-abante.”.

“Ito ang Presidente ko: may utak, puso at damdamin, bayag at paninindigan. Samakatuwid, ay may kakayahang mamuno,” ayon pa rito hinggil sa kwalipikasyon ng pangulo na mamumuno sa bansa pagkatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Alvarez ay dating kapartido ni Duterte sa PDP-Laban ngunit kumalas ito matapos siyang ikudeta ni dating Pangulo at dating Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ilang oras bago magsimula ang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 2018.

Hanggang nitong Huwebes ay walang inisyal na report ang pamunuan ng Mababang Kapulungan kung ilang mambabatas na ang tinamaan ng COVID-19 mula noong nakaraang taon.

Gayunpaman, lagpas na sa 15 ang naiulat na mambabatas na nagkaroon ng COVID-19 mula noong nakaraang taon, kabilang ang dalawang pumanaw sa katauhan nina dating Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Datol Jr., at Sorsogon Rep. Ditas Ramos. (BERNARD TAGUINOD)

118

Related posts

Leave a Comment