LAGUNA – Patay ang dating vice mayor ng Dolores, Quezon makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa San Pablo City, Laguna dakong alas-7:30 ng gabi noong Biyernes.
Kinilala ng San Pablo City Police ang biktima na si Danilo Amat.
Batay sa report ng San Pablo City PNP, dakong alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ng kanyang kosteng Ford Mustang nang tambangan at pagbabarilin ng suspek sa Seven St., Brgy. San Francisco. Pagkaraan ay naglakad lamang palayo ang suspek
Agad namang isinugod sa SPC General Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. Inaalam pa ng mga awtoricad ang posibleng motibo sa krimen.
Si Amat ay dating vice mayor ng Dolores at tumakbo sa pagka-mayor nitong May election subalit natalo. (NILOU DEL CARMEN)
194 