SA hangaring paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas sa iba pang estado, isang mekanismo ang binalangkas ng Bureau of Customs (BOC) para sa mas pinabilis na proseso ng mga kargamento at bagahe ng mga dayuhang dignitaryo at embahadang nakabase sa Pilipinas.
Sa kalatas ng BOC, inatasan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang Assessment and Operations Coordinating Group (AOCG) na itaguyod sa tulong ng Informal Entry Division ang One-Stop-Shop sa 19 BOC collection district offices sa iba’t ibang panig ng bansa.
Una nang napagkasunduan sa isang pulong na dinaluhan ng Department of Foreign Affairs (DFA), at mga kinatawan mula sa Embahada ng Estados Unidos ang pagbalangkas ng mga mga mekanismong magbibigay-daan sa simple at pinabilis na proseso ng mga kargamento at bagahe ng mga dayuhang dignitaryo at mga opisyal ng embahada.
Pasok din sa ilalim ng One-Stop Shops ang mga donasyon mula sa ibang bansa. (JO CALIM)
