NGAYONG nasa gitna ng climate emergency ang mundo, ipinahayag ni Senator Cynthia Villar na kailangan ang ‘strategic interventions’ upang mailigtas ito mula sa maaaring mahalagang bagay mula sa basura.
Inisponsoran ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, ang Senate Bill No. 2425, sa ilalim ng Committee Report No. 328 o ang “An Act Institutionalizing the Practice of Extended Producer Responsibility on Plastic Packaging Waste.” Aamyendahan nito ang Republic Act No. 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”.
“This measure seeks to incentivize innovation, motivate producers to take charge of the life cycle of their products, clearly defines responsibilities and mandates and allows for better citizen participation in reaching objectives and goals,” binigyan diin ni Villar.
Kung maayos na maipatutupad, sinabi ni Villar na sa ilalim ng Extended Producer Responsibility (EPR), mababawasan ang kailangang lupa para itapon at itambak ang basura.
Kung walang EPR System,sinabi niya na walang habas ang pagtatapon ng basura na may mga maaari pang magamit at maproseso. Bagama’t may ethical responsibility ang mga nagtatapon ng basura, binanggit ni Villar na wala naman silang legal responsibility para tiyakin ang recyclability upscalability ng kanilang mga produkto at packaging.
Marami na aniyang katibayan sa buong mundo na nagpapatunay na malaki ang tulong ng EPR sa mga munisipalidad at taxpayers na mabawasan ang kanilang financial burden sa waste management.
Ginunita ng mambabatas ang July 10, 2000 Payatas landslide o ang pagguho ng tambakan ng basura sa Payatas, Quezon City kung saan may 218 katao ang namatay.
“A gigantic mountain of garbage first collapsed and then went up in flames which resulted in the destruction of about 100 houses of informal settler families. No less than 218 people perished, not including those unaccounted for in a massive collapse of a mountain of discards. As if that was not enough, the methane emitting waste turned into an inferno,” ayon kay Villar.
Tahasang sinabi ng senador na nagpapakita ito ng pagkabigong pangasiwaan ang mga basura kaya ng sumunod na taon, ipinasa ng Kongreso ang Ecological Solid waste Management Act. (ESTONG REYES)
295 