Extortion, revolutionary tax P1-B PASOK SA NPA

TUMATAGINTING na isang bilyong piso ang nakubra ng mga komunistang rebelde sa kanilang pangingikil at pangongolekta ng revolutionary taxes sa iba’t ibang lalawigan sa Mindanao.

Pag-amin ng Department of National Defense, tama ang pagtatayang inilahad ni 4th ID commander Major General Romeo Brawner na unang naglabas ng ulat hinggil sa umano’y agresibong paglilikom ng salapi ng mga kasapi ng Community Party of the Philippines at ng armadong sangay nitong New People’s Army.

Ani Branwe, masigasig ang ginagawang pangingikil ng CPP-NPA sa mga negosyante sa Mindanao, partikular yaong mga mangangalakal at mining companies sa Caraga region.

Sinegundahan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ang isiniwalat na impormasyon ni Brawner. Ani Lorenzana, lubhang lumalaki ang nakokolekta ng mga rebelde sa bandang Mindanao.

“Sa tingin ng aming intelligence ay… mga siguro umaabot ng mahigit isang bilyong piso siguro yung nakukulimbat sa mga (NPA), nae-extort nila sa businessmen, lalong lalo na sa mga, sa ano, lalong lalo na sa Mindanao dahil napakaraming minahan dun, napakaraming plantation ng saging, pinya at kung ano ano pa so nagiging ano ito target nila itong mga taong ito, ang mga businesses na ito, “ ani Lorenzana.

Sa ginanap na Pulong Balitaan, tahasang sinabi ni Brawner na walang kinalaman sa ideolohiya ang pangingikil ng mga armadong komunista sa nasabing bahagi ng bansa. Aniya, malayo na din sa pagiging rebelde ang tingin niya sa mga miyembro ng CPP-NPA.

“I never red tagged them.” I tagged them as criminals,” matapang na pahayag ng heneral kasabay ng panawagan sa mga mangangalakal, plantation at mining companies at maging sa mga pulitiko na tigilan na ang pagbibigay ng revolutionary tax sa mga teroristang grupo.

Samantala, patuloy naman aniyang humihina ang pwersa ng CPP-NPA sa kanyang nasasakupan, bagamat pag-amin ng heneral, mayroon pa ring 10 CPP-NPA guerilla fronts na may tinatayang lakas na 800 katao, ang kanilang tinutugis. (JESSE KABEL)

387

Related posts

Leave a Comment