FETUS ITINAPON SA HARAP NG HOTEL

HINIHINALANG sadyang ipinalaglag ng walang pusong ina ang fetus na natagpuan sa balumbon ng mga basura sa harap ng isang hotel sa Barangay 394, Quiapo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa kay Jerry Miano, 28, garbage collector, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang magulat siya nang mabatid na fetus ang laman ng isang plastic na nakita niya sa loob ng isang kahon.

Agad naman niya itong ini-report sa Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District, na kinordon ang lugar bago ipinagbigay-alam sa MPD Homicide Section ang insidente.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng MPD-Homicide Section sa pangunguna ni Det. Dennis Suba, na patuloy na iniimbestigahan ang insidente habang nangangalap pa ng testigo na makapagtuturo kung sino ang nagtapon ng nasabing fetus sa nasabing lugar.

(RENE CRISOSTOMO)

35

Related posts

Leave a Comment