FLOOD CONTROL CASES VS CO, VILLANUEVA ‘FOR RESO’ NA – DOJ

ISINUMITE na para sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) ang mga reklamong isinampa laban kina Senador Joel Villanueva at dating Ako Bicol Party-list representative Zaldy Co kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, nahaharap si Villanueva sa tatlong magkakahiwalay na reklamong malversation of public funds na walang piyansa.

Sinabi ni Martinez na nakapaghain na ang senador ng kanyang counter-affidavit upang pabulaanan ang mga alegasyon na una na niyang tinawag na katawa-tawa.

Nilinaw naman ni DOJ Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ang kasong tinutukoy ay yaong nasa DOJ lamang, at hiwalay pa sa iba pang reklamong maaaring nakabinbin sa Office of the Ombudsman.

Kinumpirma rin ng DOJ na anomang araw mula ngayon ay inaasahang maglalabas ng resolusyon ang panel of prosecutors kung iaakyat sa korte o ibabasura ang reklamong plunder laban kay Co, na may kaugnayan din sa sinasabing flood control anomaly sa Bulacan.

Nauna nang sinabi ng DOJ na hindi maaantala ang pag-usad ng kaso laban kay Co kahit hindi siya maghain ng kontra-salaysay.

(JULIET PACOT)

4

Related posts

Leave a Comment