FOREMAN NANGISAY SA DPWH OFFICE

QUEZON – Patay ang isang construction foreman nang makuryente sa loob ng DPWH office sa bayan ng Catanauan sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang namatay na biktimang si Miguel Añonuevo Mariñas, 56, taga-San Pedro City, Laguna.

Batay sa report ng Catanauan police, nasa loob ng Quezon 3rd District Engineering Office ang biktima at inaaayos ang electrical wiring na gagamitin sa kanilang construction nang mahawakan nito ang live wire.

Agad itong nangisay at nalapnos ang iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod ang biktima sa Bondoc Peninsula District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

115

Related posts

Leave a Comment