FPJ PANDAY BAYANIHAN NAG-IKOT SA CAMNORTE

NAG-IKOT ang grupo ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa pangunguna ni first nominee Brian Poe sa bayan ng Daet at Labo, Camarines Norte kamakalawa. Kasama rin nito ang ina na si Senator Grace Poe Poe at 2nd nominee Mark Patron.

Isinagawa ang grand rally sa Our Lady of Lourdes College sa nasabing bayan.

Bago ito, nagtungo ang grupo sa San Carlos, Pangasinan kung saan binigyang-diin nito na ipupursige na ipaglaban ang pagkakaroon ng mataas na pondo para sa edukasyon upang lalong sumigla ang ekonomiya ng bansa na huhubugin ng mga kabataan.

Bahagi ito ng pananalita ni Brian Poe sa mga mag-aaral ng Virgen Milagrosa University Foundation, Inc., ng San Carlos.

Layunin din ng partido na tiyakin na ang kabataang Pilipino ay may sapat na mapagkukunan at oportunidad upang maabot ang kanilang buong potensyal, saad ni Poe.

(DANNY BACOLOD)

46

Related posts

Leave a Comment