FPJ PANDAY-BAYANIHAN PL NAG-IKOT SA MINDORO OR

DINUMOG ng mga tagasuporta ang motorcade ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Nagsimula ang pag-iikot ng grupo sa mga bayan ng Gloria, Pinamalayan, Socorro, Victoria, Naujan at natapos sa Calapan City kung saan idinaos ang grand rally sa Barangay Sta. Isabel.

Tinatayang nasa 15,000 mamamayan ang dumalo sa rally.

Dumalo rin sa aktibidad si Senator Grace Poe, ina ng 1st nominee ng party-list na si Brian Poe, 2nd nominee Mark Patron, 3rd nominee Hiyas Dolor at Governor Bonz Dolor.

(DANNY BACOLOD)

33

Related posts

Leave a Comment