FR. SUAREZ PUMANAW NA

PUMANAW na ang kontrobersyal na healing priest na si Father Fernando Suarez matapos atakihin sa puso sa loob ng Ayalang Alabang Club House Tennis kahapon ng hapon sa Muntinlupa City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Deedee Siytangco, tagapagsalita ni Fr. Suarez, 53, na nagsabing dumanas ng massive heart attack ang nasabing pari.

Sinabi ni Siytangco, dakong alas-3:00 ng hapon nang mawalan ng malay si Fr. Suarez habang ito ay naglalaro ng tennis sa loob ng Ayala Alabang Clubhouse.

Naisugod pa si Fr. Suarez sa Asian Hospital subalit hindi na ito umabot nang buhay.

Si Suarez ay magdiriwang sana ng kanyang ika-53 kaarawan sa darating na Biyernes (Pebrero 7) at kahapon ginanap ang kanyang Tennis Tournament para sa mga kaparian.

Inakusahan si Fr. Suarez ng pagmomolestiya sa Vatican subalit ito ay napawalang sala.

Ipinaliwanag pa ni Siytangco na nito lamang ikatlong linggo ay nabalitaan nilang acquited ang pari matapos ang anim na taong pagdinig sa kasong pang-aabuso. (ROSE G. PULGAR)

 

164

Related posts

Leave a Comment