FREE TABLETS SA MGA ESTUDYANTE SA MAYNILA

IPAMAMAHAGI na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa susunod na linggo ang mga tablet na gagamitin ng mga guro at estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan para sa
blended at distant learning sa pagbubukas ng klase sa SY 2020-2021 sa Oktubre 5.

Ayon sa alkalde, kasama sa packages ang pocket wifi para sa teachers at SIM cards na may kargang 10GB data na alokasyon kada buwan sa  mga estudyante.

Tugon ito ng lokal na pamahalaan ng lungsod para matulungan ang mga estudyante at guro na makaagapay sa  ‘new normal’ at sa pagbubukas ng klase ngayong may COVID-19 pandemic.

Unang inanunsiyo ni Moreno ang paglalaan ng lokal na pamahalaan ng P900 milyon para ibili ng 110,000 tablets at 10,000 laptops para magamit ng mga public school student mula   Kindergarten hanggang Grade 12 at ng mga guro.

Tiniyak naman ni Moreno na maraming service centers ang kumpanya na napili nilang bilhan ng gadget upang hindi mahirapan sa pagpapaayos ang estudyante at guro sakaling masira ito.

Paalala ni Moreno, ang devices ay pag-aari ng siyudad at kailangan ibalik kapag natapos nang gamitin para mapakinabangan naman ng iba.

Una nang humingi ng guidance si Moreno kay  Department of Education (DepEd)  Secretary Leonor Briones  kung anong uri ng devices ang gagamitin ng mga estudyante para sa blended learning.
(RENE CRISOSTOMO)

389

Related posts

Leave a Comment