FULL IMPLEMENTATION NG ‘FUEL MARKING SYSTEM’ SA ENERO 2020 NA

FUEL MARKING SYSTEM

(Ni JO CALIM)

Ipatutupad na ang full implementation ng ‘fuel marking system’ sa Enero ng susunod na taon na ang pangunahing layunin ay maiwasan ang smuggling ng mga produktong petrol­yo sa bansa.

Ayon kay Finance Undersecretary Antonette Tionko, kasalukuyan nang isinasagawa ng departamento ang ‘marking fuel manually’, habang may  isang team ang  nagsasagawa ng automatic system na siyang hahawak ng malaking volumes sa mga refinery at tank farm level.

“The team is in the process of working with the big refineries for installation of the automatic injection of the marker. In the meantime, the marking is being done manually. For the big refi­neries, the marker will have to go through their equipment and it needs to be automatically injected because of the volumes,” ayon kay Tionko sa Senate hearing ng  Department of Finance (DOF) budget for 2020 kamakailan.

Ang fuel marking ay inilaan para ipahiwatig na ang tax ay bayad na partikular sa batch of fuel products.

Sa pamamagitan ng pangulay o tina na inilagay bilang ‘prima facie evidence’ sa isang partikular na shipment ay malalaman ang hindi sumusunod sa tamang  buwis.

Sa report, sinasabing nalulugi ang  gobyerno ng  tinatayang nasa P40 bilyon kada taon mula sa smuggling ng mga produkto ng petrolyo.

Gayunpaman, sa pamamagitan ng marking system ay makakalikom ng karagdagang P20 bilyon re­venue ang pamahalaan sa unang taon ng implementas­yon nito.

“We’re hoping to collect at least, by next year, P20 billion, which is half of the estimated amount of revenue lost to smuggling,” ayon sa opisyal.

Ang fuel marking ay nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na naging batas noong  Enero  2018 bilang first package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).

Una  nang iniulat ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa isinagawang  budget hearing na ang re­venue mula sa TRAIN  Law ay tumaas ng 9.8% sa  first half ng 2019 na umabot sa  P55.6 bilyon.

Dagdag pa  ng kalihim, bumaba man ang koleksyon sa personal income tax, ngunit tumaas naman ang taxes sa mga produktong langis, automobile, tobacco products at iba pa.

155

Related posts

Leave a Comment