(NI MAC CABREROS)
INAASAHAN ang patuloy na bahagyang pagbagal ng inflation rate o pagtaas sa presyo ng mga produkto sa bansa nitong Marso, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa taya ng mga economic analyst ng BSP, nakitang maglalaro sa 3.1 hanggang 3.9 porsyento ang March inflation na kapag nagpatuloy ang down trend ay maililista na ika-limang sunod na pagtumal ng mga produkto. Naitala sa 3.8 porsyento ang inflation noong Pebrero na mababa kumpara 4.3 porsyento noong Marso 2018.
Ayon BSP, bumagsak ang presyo bunsod nang pagtambak ng malaking supply ng produktong agrikultura sa merkado. Naibsan nito ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at singil sa kuryente, dagdag BSP.
“Higher domestic oil prices and upward adjustment in electricity rates, provide upside price pressures to inflation for the month,” sabi BSP.
Matamang na babantayan ng BSP ang galaw ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan upang makapaglatag ng karampatang hakbang at mapangalagaan ang kabuhayan ng ating mamamayan.
Napag-alaman na nakaluluwag ng sinturon ang sambayanan kapag may deflation o pagbaba sa presyo ng mga produkto. Ngunit maaring magdulot ng masamang epekto ito sa mga negosyante dahil sa paghina ng kanilang kita kung saan itutulak silang gumawa ng adjustments kundi mapipilitan silang magbawas ng gastusin gaya ng pagtanggal ng empleyado.
Samantala, nakatakdang isapubliko ng World Bank ang ranggo ng Pilipinas sa lagay ng ekonomiya kumpara sa ibang bansa lalo sa Asia.
212