(NI ROSE PULGAR)
SA unang araw ng ‘Balik Eskwela”, sinalubong ng big time oil price rollback matapos magbawas sa presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo ngayon (Hunyo 4).
Pinangunahan ng mga kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Total, Eastern Petroleum at Seaoil ang bawas presyo na P1.70 kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at habang P1.00 naman kada litro ng kerosene na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan naman na susunod na magpatupad ng big time oil price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa kabilang na ang mga malalaking kompanya sa kahalintulad na halaga.
Ang ipinatupad na bawas presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis na P0.35 kada litro ng gasolina, P0.45 kada litro ng diesel at P0.60 sa kada litro ng kerosene.
447