GASOLINA TATAAS; DIESEL, KEROSENE STEADY

TATAAS na naman ang presyo ng gasolina ngayong Martes, ayon sa abiso ng iba’t ibang oil companies.

Maglalaro sa P1.20 kada litro ang dagdag sa gasolina habang walang galaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Epektibo ang taas-presyo matapos mag-anunsyo ang Shell, Clean Fuel, PTT, SeaOil at Petro Gazz.

Ayon sa Department of Energy (DOE), bunsod ito ng pagtaas sa halaga ng oil products sa world market. Samantala, steady ang presyo ng diesel at kerosene dahil sapat ang supply, lalo na ngayong papalapit ang holiday season.

(CHAI JULIAN)

91

Related posts

Leave a Comment