WALANG nakikitang indikasyon si Inter-Agency Task Force (IATF) sub-technical working group member on data analytics Dr. John Wong para magpatupad ng mas maluwag na quarantine protocol sa susunod na buwan.
Hayagang sinabi ni Wong, isa sa think tanks sa IATF na hindi niya irerekomenda na mag-shift na sa GCQ.
“Right now, without seeing any indicators, I would not recommend it. So it’s like driving, I mean, you have to check first whether your car is in good working condition, before you undertake a long trip or move forward,” ayon kay Wong.
Kailangan aniyang matiyak kung ano ang kasalukuyang estado at dito kailangan ang report ng mga LGU partikular kung ano na ba ang lagay ng kani-kanilang mga area.
Sinabi pa niya na kung hindi man maganda ang lagay ng isang lokal na pamahalaan sa COVID-19 management, kailangang tumbukin ang mga rason kung bakit hindi siya kasing buti ng iba pang LGU.
“Some LGUs are doing better than others. So baka we can borrow best practices for the other LGUs. Pero the key is execution. So to be able to execute better, we need to know how well they are doing now,” dagdag na pahayag ni Wong. (CHRISTIAN DALE)
175
