GCQ SA NCR PLUS POSIBLE SA MAYO 15

MAARING ilipat sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit-lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang NCR Plus bubble.

Ani Sec. Roque, ang health care utilization sa Metro Manila ay ibinaba sa “moderate risk” category, ang attack rate ay nababawasan at ang reproduction number ay “less than 1” na.

Magkagayon pa man, nananatiling nakasalalay sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pinal na desisyon.

“I will not second-guess the IATF but pursuant to the formula, it is possible. Again the final decision rests with the IATF,” ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa niya na nakatakdang magpulong ang IATF para sa bagong quarantine classifications sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Bulacan, at Laguna, na kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Mayo 14.

Tiniyak ni Sec. Roque, na iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong quarantine classifications bago dumating ang Mayo 15. (CHRISTIAN DALE)

241

Related posts

Leave a Comment