INAMIN ng beteranang aktres na si Gina Pareño na proud member siya ng LGBTQ community.
Naitsika muna kasi ng aktres na may isang espesyal na taong sumakabilang-buhay na ang labis niyang pinasalamatan sa pagbago ng kanyang buhay.
Tinukoy niya ito bilang si “Doktora Bong” at kalaunan tuluyang pinangalanan na si Nenita Vidal, na dating aktres noong dekada ’50. Ibinahagi ni Gina na madalas kasama niya kahit saan magpunta ang urn kung saan naroon ang abo ni Dra. Bong.
Proud na ipinakikita ng aktres sa mga katrabaho ang urn at kung kaninong abo ang laman nito.
“Marami akong utang na loob kay doktora, napakabait saka tinuturuan ako, ine-educate.”
Mahal na mahal din daw siya nito noong nabubuhay pa. Malaking bahagi ng kanyang pagbabago ang namayapang aktres.
Magugunitang dating nalulong sa droga si Gina, pero napagtagumpayan niya ito sa pamamagitan ng pagpapa-rehab dahil sa tulong ng karelasyon.
Ngayon daw ay sarado na ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig.
Sa kabilang banda, emosyunal din ang aktres sa pagsasabing nami-miss niya ang pag-arte. Nawalan daw siya ng proyekto dahil sa pandemya. Iniingatan din daw siya ng kanyang mga anak na sina Raquel at Michael.
208